Balita

UST at Ateneo, sosyo sa UAAP judo tilt

- Marivic Awitan

NAITALA ng University of Santo Tomas ang golden double sa UAAP Season 80 judo competitio­ns nitong Linggo sa Sports Pavilion ng De La SalleZobel campus sa Ayala Alabang, Muntinlupa.

Nagsosyo ang Growling Tigers at Ateneo Blue Eagles sa men’s division matapos magposte ng parehong 30 puntos sa dalawang araw ng kompetisyo­n.

Matikas naman ang UST sa women’s side sa ikaapat na sunod na season tangan ang 45 puntos – 13 puntos ang bentahe sa pumangalaw­ang University of the East.

Naitala nina extra lightweigh­t Daryl John Mercado at Sherwin De Rosa ang 1-2 finish para sa Tigers, habang nagtagumpa­y sina half middleweig­ht Renzo Cazeñas at heavyweigh­t Dither Joshua Tablan.

Sumampa rin sa Podium sina half middleweig­ht Luis San Diego ( silver), featherwei­ght Russel Rhey Lorenzo (bronze), lightweigh­t Jeunesse Nikole Ong ( bronze), at half heavyweigh­t George Kim (bronze).

Nakopo naman ng Eagles ang gintong medalya mula kina featherwei­ght Isaiah Anthony Tuazon, lightweigh­t Earl Timothy Uy at half middleweig­ht Harmon Anthony Tuazon.

Kumuha rin ng medalya sina half lightweigh­ts Michael John Isidro (silver) at Christian Dominic Clemente (bronze), heavyweigh­t Rafael Angelo Cadiente (silver), half middleweig­ht Hermogenes Arayata IV ( bronze), at middleweig­ht Alfred Benjamin Querubin.

Ginamit ang bagong scoring system kung saan nagbibigay ng pitong puntos sa kampeon, tatlong puntos sa runner- up at isang puntos sa bronze medalist.

Napagwagih­an ng Tigers ang ika-13 kampeonato sa men’s divison, habang ikapito para sa Ateneo.

Pinangunah­an naman nina Khrizzie Pabulayan ( extra lightweigh­t), Almira Ruiz (lightweigh­t), Jamaika Ponciano (half heavyweigh­t) at Renielyn Castillo (heavyweigh­t) ang fourgold ng UST sa women’s side.

Nagwagi rin ang Tigresses ng apat na silver at limang bronze medal para sa ika-10 titulo.

Nagwagi naman ang Lady Warriors mula kina Ma. Jeanalane Lopez (featherwei­ght), Claudine Nargatan ( half lightweigh­t), Patricia Nicole Rosario ( half middleweig­ht) at Bianca Mae Estrella (middleweig­ht).

Sa juniors division, napanatili rin ng UST ang titulo, habang nagwagi ang e UE sa girls class.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines