Mekaniko person-of-interest sa bank teller rape-slay

Balita - - Balita - Mary Ann Santiago

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Eastern Police District (EPD) ang isang mekaniko matapos na ituring na person of interest sa pagdukot, panggagahasa, pagpatay at tangkang panununog sa bangkay ng isang bank teller sa loob ng abandonadong gusali sa Barangay Rosario, Pasig City nitong Linggo.

Sa report ng Pasig City Police, sa tanggapan ni EPD Director Police Chief Supt. Romulo Sapitula, itinuturing na nilang person of interest si Diolan Acebuche, 23, sa pagpatay kay Mabel Cama, 22, ng Ortigas Avenue Extension, sa Bgy. Rosario.

Nadiskubre ang halos sunog at hubo’t hubad na bangkay ni Cama sa loob ng abandonadong gusali na matatagpuan sa compound ng Mega Bus Line Terminal, na dating impounding area ng Metro Manila Development Authority (MMDA), kung saan nakatira si Acebuche, bandang 12:20 ng tanghali.

Itinuring na person of interest si Acebuche matapos siyang ituro ng isang ‘di pinangalanang saksi na nakakita sa kanyang nakatayo sa labas ng naturang lugar, ilang oras oras bago natagpuan ang bangkay ni Cama.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up investigation upang matukoy ang posibleng kasabwat ni Acebuche, batay na rin sa pahayag ng iba pang saksi na dalawa ang lalaking nakatayo sa lugar.

Hinihintay na ang resulta ng awtopsiya at genital examination upang malaman kung tutugma ito kay Acebuche.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.