Carrie Underwood, nagpapagaling matapos mahulog

Balita - - Showbiz -

NAGPAPAGALINGang country superstar na siCarrie

Underwood ng kanyang wrist na nabali nang madulas at mahulog sa hagdan sa labas ng kanyang bahay sa Nashville, Tennessee.

Ibinunyag ng tagapagsalita ng Before He Cheatshitmaker na naospital at ginamit ang singer nitong Biyernes dahil sa “multiple injuries”, kabilang ang tinamong hiwa at pasa sa aksidente. Inilabas ang singer sa ospital makaraan ang ilang oras at ngayon ay nagpapagaling sa kanyang bahay.

“Her recovery will take some time and she appreciates all the prayers and well wishes,” saad sa pahayag ng inilabas ng kanyang tagapagsalita. Nag- post din si Carrie sa Twitter upang tiyakin sa fans na naaalagaan siya ng maayos ng kanyang asawa, ang retiradong ice hockey star na si Mike Fisher, na nagmadaling umuwi sa Nashville mula sa biyahe nang marinig ang balita tungkol sa asawa.

“Thanks so much for all the well wishes everybody...,” aniya. “I’ll be alright... might just take some time... glad I’ve got the best hubby in the world to take care of me.”

Dahil sa insidente ay ipagpaliban ng singer ang kanyang nakatakdang pagtatanghal sa Linggo ng gabi sa Country Rising benefit gig sa Nashville, na nakatakdang pagsamahan nila nina Jason Aldean, Dierks Bentley,

Keith Urban, Little Big Town, at Lady Antebellum, at iba pa, upang lumikom ng pondo para sa hurricane relief effort at para sa mga apektado ng shooting massacre sa Route 91 Harvest festival sa Las Vegas nitong nakaraang buwan.

Umusbong ang balita ilang araw matapos na samahan ni Carrie ang kanyang kaibigang si Brad Paisley na maging co-host sa 2017 Country Music Association Awards sa Nashville nitong Miyerkules. Sa prizegiving, binigyangpugay ng dalawang artist ang mga buhay na nawala sa trahedya sa Sin City tragedy noong Oktubre 1, na ikinasawi ng 58 katao.

“This has been a year marked by tragedy impacting countless lives, including so many in our country music family,” ani Carrie. “So we’re going to do what families do: Come together, pray together, cry together and sing together, too.”

“This show is dedicated to all those we lost,” dagdag pa ni Paisley.

Carrie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.