BACOOR HS, bumida sa PSC-KIDS-SOS

Balita - - Sports -

KABUUANG 158 atleta mula sa 14 eskwelahan sa Bacoor City ang nakiisa sa 1st Philippine Sports Commission (PSC) Kabataan Iwas-Droga: Start on Sports nitong weekend sa Theresian School of Cavite sa Bacoor City nitong weekend.

Nadomina ng Bacoor National High School (Molina Main) at Zapote Elementary School ng badminton event, habang ang BNHS – TabingDagat at Mabolo Elementary School ang bumida sa table tennis at nangibabaw ang Gawaran Campus of BNHS chess competition ng Secondary level at ang Aniban ES at Niog ES ang umarya sa Elementary division ng torneo na bahagi ng grassroots sports development program ng PSC

“Ang mga participants natin dito yung mga batang nakiisa sa ginawa nating sports clinics and seminar under the Children’s Game program ng PSC. Yung natutunan nila sa clinics ay mababalewala kung wala namang tournament na lalaruan kaya kami naman sa pamahalaan ay handang tumugon dito,” pahayag ni PSC Commissioner Arnold Agustin.

“Nag-focus muna kami sa tatlong sports – table tennis, badminton at chess. Madali kasing iorganisa ang mga sports na ito dahil hindi masyadong nangangailangan ng equipment at walang problema sa venues. Our technical officials are provided by DepEd, with the help of national sports association,” aniya.

Si Angelo Bajamudin ang pinakabuwenas sa torneo matapos na alukin ng talent scout ng University of Perpetual Help – Dalta System ng scholarship bilang miyembro ng koponan na isasabak sa NCAA.

“Ito po talaga ang pangarap ko, gamitin ang badminton para makapagtapos ng pag-aaral,” pahayag ng 16-anyos mula sa Molino HS.

Ang iba pang mga nagwagi ay angmga sumunsod: (Elementary boys, badminton) Jen Aries Sorreno (gold), Jhan Philip Manzano (silver) and John Paul Tapel (bronze); Elementary girls, badminton) Jewel Jimenez (gold), Gel Shinn Baran (silver); Elementary mixed doubles) Graciel Ann Tatad/ Danzel Nathan de Guzman ( gold), Angel Macatol/ Justin Cruz Pangan (silver).

Secondary boys ( table tennis)Ryan Macalalad (gold), and Jessie Marc Hinayon (Silver); Secondary girls, Jollibee Pangindian(gold) and Sheena Custodio (silver);

Secondary mixed doubles Arcelyn Resera/Macky Gomez (gold) and Alicia Mae Relluda/ Nedo Pangindian (silver).

Nakibahagi rin sa torneo ang Habay ES, Sineguelasan ES, BacoorES, Mabolo ES, Aniban ES, Zapote ES, Dulong Bayan ES, Niog ES, Gawaran ES, Maliksi ES, Bacoor National H.S. (Salinas Annex), Tabing Dagat H.S. at Molino Main H.S.

“We want the kids to use their free time in worthwhile activities – be fit and healthy, have them focus on sports rather than taking part in negative activities,” pahayag ni Agustin.

Kabilang sa inihalintulad na dapat maging modelo ng kabataan sina chess Grandmaster Wesley So at badminton star Sarah Jane Barredo.

MASAYANG nakisalamuha si PSC Commissioner Arnold Agustin (gitna) sa mga batang kalahok sa pagtatapos ng 1st PSC Kabataan Iwas-Droga: Start on Sports nitong weekend sa Theresian School of Cavite sa Bacoor City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.