Rescue sa lindol itinigil, 450 patay

Balita - - Balita -

ANKARA (Reuters) – Itinigil na ng Iran nitong Martes ang rescue operations sa mga lugar na tinamaan ng malakas na lindol na ikinamatay ng 450 katao at ikinasugat ng libu-libong iba pa, iniulat ng state television.

“The rescue operations in the (western) Kermanshah province have ended,” sinabi ni Pir-Hossein Kolivand, pinuno ng Emergency Medical Services ng Iran, sa state TV.

Tumama ang 7.3-magnitude na lindol nitong Linggo sa mga pamayanan at bayan sa bulubunduking bahagi ng Kermanshah province na nasa hangganan ng Iraq habang natutulog ang karamihan ng mamamayan. May 14 na probinsiya ng Iran ang apektado. Sinundan ito ng 193 aftershocks.

Mahigit 30,000 kabahayan sa lugar ang nasira at dalawang pamayanan ang lubusang nawasak, ayon sa mga awtoridad.

Nakasentro ang lindol sa Penjwin sa Sulaimaniyah province ng Iraq sa Kurdistan region, kung saan anim katao ang nasawi at mahigit 68 iba pa ang nasugatan. Sa Kurdish districts ng Iraq, pito ang namatay at 325 ang sugatan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.