Bonus sa mahihirap

Balita - - Balita -

ATHENS(AP) – Muling mamamahagi ang gobyerno ng Greece ng one-off Christmas payments sa mga Greek na mababa ang kinikita. Kukunin ito mula sa surplus sa budget na naipon sa pagbawas ng paggasta at mataas na buwis.

Ayon kay Prime Minister Alexis Tsipras, 1.4 bilyon euros ($1.6B) ang ibibigay sa 3.4 milyong Greek ngayong holiday season, kumpara sa 617 milyon na ibinigay sa mga pensioner noong nakaraang taon.

Sa televised address nitong Lunes ng gabi, sinabi ni Tsipras na nasa 240 hanggang 900 euros ang ibibigat na bonus sa bawat benepisyaryo at magmumula sa inaasahang 1.75 porsiyentong budget surplus.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.