Pagbabalik ng open pit mining, tinututulan

Balita - - Balita - Mary Ann Santiago

Mariin ang pagtutol ng Diocese of Marbel sa nakaambang pagpapawalangbisa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Department Administrative Order 2017-10 na nagbabawal sa ‘open pit’ bilang paraan ng pagmimina.

Ayon kay Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez, kung mapapawalang bisa ang open pit mining ban ay maaaring muling magbubukas ang operasyon ng pagmimina ng Saggitarius Mining Inc. sa Tampakan, South Cotabato.

Nangangamba ang obispo sa napakalaking pinsalang idudulot nito sa kanilang lalawigan kabilang na ang pagkasira ng kagubatan, watershed, mga sakahan, pagpapalayas sa may 5,000 tribung B’laan mula sa kanilang ancestral lands, at peligro sa food security, peace and order at kalusugan ng mamamayan.

“We will fight that until the end of the World,” diin ng obispo.

Lumiham na ang Diocese of Marbel kina Pangulong Rodrigo Duterte at Environment Secretary Roy Cimatu upang hilingin na huwag tanggalin ang Open Pit Mining Ban sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.