Parak nagbaril sa ulo

Balita - - Balita - Nestor L. Abrematea

CAMPETIC, Palo, Leyte – Nagulantang ang Police Regional Office (PRO)-8 nang malaman na nagpakamatay ng isang operatiba nito sa Tacloban City, Leyte, pasado 6:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ni PRO-8 director Chief Supt. Gilbert DC Cruz ang nagpatiwakal na si SPO4 Dennis Diaz y Valle, 47, may asawa, at nakadestino sa San Isidro Municipal Police sa San Isidro, Leyte.

Sinabi ni Chief Supt. Cruz na nagbaril sa ulo si Diaz gamit ang service firearm nito, sa loob ng tinutuluyang boarding house sa Barangay 77 sa Tacloban.

Nakakaramdam umano ng depresyon ang pulis, na may diabetes at high blood pressure, problemado rin sa pamilya dahil hiwalay ito sa asawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.