Balita

Recount sa VP votes, sa Pebrero 2018

- Beth Camia

Itinakda ng Korte Suprema, na nagsisilbi­ng Presidenti­al Electoral Tribunal (PET), sa Pebrero 2018 ang muling pagbibilan­g ng mga boto kaugnay ng election protest na inihain ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.

Sakop ng ballot recount ang tatlong pilot province, na kinabibila­ngan ng Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental, na pinili ni Marcos dahil dito umano mapatutuna­yan ang iregularid­ad na inilahad niya sa kanyang protesta.

Ayon sa election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Robredo, unang rerebyuhin ang mga balota mula sa kinukuwest­iyong clustered precincts sa Camarines Sur, na home province ni Robredo.

Kukuhanin umano ang mga balota sa lalawigan sa Enero 22, 2018 habang ang recount ay isasagawa sa ikalawang linggo ng Pebrero.

Isusunod kaagad dito ang mga balota mula sa Iloilo at Negros Oriental.

Kapwa naman nagpahayag ng kumpiyansa ang magkabilan­g kampo na papabor sa kanila ang resulta ng voting recount.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines