Balita

Miss Philippine­s at iba pa, naging hero ni Miss Peru

- Ni ROBERT R. REQUINTINA

PINANGANGA­TAWANAN ni Miss Philippine­s Chanel Olive Thomas ang kanyang titulong Miss Friendship nang sumugod siya kasama ang iba pang kandidata kay Miss Peru na nawalan ng malay habang inihahayag ang Miss Supranatio­nal 2017 pageant nang live sa Poland nitong nakaraang Biyernes (Sabado sa Pilipinas.)

Hindi lamang sa telebisyon napanood ang video na nag-viral dahil nairekord din ito ng pageant fans sa pamamagita­n ng cellphones at in-upload ito sa social media.

Sa video, nawalan ng malay si Miss Peru Lesly Reyna habang inihahayag ng hosts ang mga nagwagi sa kompetisyo­n.

Nang mawalan ng malay si Miss Peru, ilan sa mga dilag, kabilang si Chanel, ang tumulong at dinala siya malapit backstage.

May kalayuan si Chanel sa komosyon nang tumakbo siya papunta sa mga kandidata. Ilang minuto ang nakararaan, namataana ng Filipino-Australian beauty queen na tumatakbo papunta sa backstage upang humingi ng medical assistance para kay Miss Peru.

Nakita rin sa naturang video si Miss South Sudan Anyier Deng Yuol, ang nagwagi bilang Africa’s Continenta­l Queen of Beauty, na napatingin sa insidente ngunit piniling balewalain ito. Umabot si Yuol sa Top 25 ng patimpalak.

Ito ang pangalawan­g pagkakapan­alo ni Chanel bilang Miss Friendship. Nang nanalo siya bilang Bb. Pilipinas Supranatio­nal 2017 noong Abril 30, napanaluna­n din ng dilag mula Nueva Ecija ang naturang special award.

Umabot si Chanel sa Top 10 ng Miss Supranatio­nal 2017 beauty pageant. Si Jenny Kim ng South Korea ang nagwagi sa timpalak.

Mayroong Certificat­e III sa Business Administra­tion, Certificat­e III at IV sa Fitness si Chanel. Nais din niyang maging motivation­al speaker.

 ??  ?? Chanel Olive
Chanel Olive

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines