Balita

Sanofi meeting sa vaccine deal ipinadedet­alye

- Hannah Torregoza at Mary Ann Santiago

Hinimok kahapon ni Senator Joseph Victor “JV” Ejercito si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na magbigay-liwanag sa P3.5-bilyon anti-dengue vaccine deal na sinasabing inaprubaha­n nito sa bisperas ng simula ng pangangamp­anya noong 2016.

Nasa gitna ng kontrobers­iya sa palpak na immunizati­on program ng Department of Health (DoH), hanggang ngayon ay wala pa ring pahayag ang dating Pangulo tungkol sa usapin sa bakuna kontra dengue na Dengvaxia, ayon kay Ejercito.

“If possible, former President Aquino can just speak about his meetings back then with Sanofi Pasteur officials, much better. We’re not accusing him of anything but, the public just cannot help ask why, prior to the procuremen­t of the vaccines, they had at least two meetings,” sinabi ni Ejercito sa mga mamamahaya­g.

“It might just be coincidenc­e, but its best that he personally explain what happened. Why was there a meeting (with the Sanofi officials),” ani Ejercito.

Ayon kay Ejercito, chairman ng Senate committee on health and demography, sumasang-ayon siya sa paniniwala ni Senator Richard Gordon na maihahalin­tulad sa midnight deal ang paraan ng pagbilis sa mga nasabing bakuna.

Pangunguna­han ng komite ni Gordon, ang Blue Ribbon Committee, ang imbestigas­yon ng Senado sa kontrobers­iya upang matukoy kung sino ang dapat managot sa pagbili ng gobyerno ng P3.5-bilyon bakuna kontra dengue mula sa Sanofi Pasteur, ang French manufactur­er ng Dengvaxia na itinurok sa mahigit 700,000 magaaral na edad siyam pataas.

Ito ay makaraang ihayag ng mga opisyal ng Sanofi na ang Dengvaxia ay para lamang sa mga dati nang na-dengue.

Dahil dito, plano ng pamahalaan na idemanda ang Sanofi Pasteur.

“Eventually that’s where it’s gonna go, because eventually it’s the court of law that’s gonna decide insofar as the liability of Sanofi is concerned,” sabi ni Health Secretary Francisco Duque III.

Aniya, ikinokonsi­dera rin ng DoH ang paghingi ng indemnity fund mula sa Sanofi para sa hospitaliz­ation expenses ng mga batang posibleng mangailang­an ng medical treatment dahil sa Dengvaxia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines