Balita

Pagpatay sa pari, mistaken identity lang?

- Light Nolasco at Mary Ann Santiago

CABANATUAN CITY – Hindi isinasanta­bi ng pamunuan ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) ang anggulo ng “mistaken identity” sa pamamaslan­g sa 72-anyos na si Fr. Marcelito "Tito" Paez nitong Lunes ng gabi, sa Sitio Sanggalan, Barangay Lambakin, Jaen, Nueva Ecija.

Ayon kay Senior Supt. Eliseo T. Tanding, NEPPO director, patuloy nilang kinakalap ang lahat ng impormasyo­n at nagsasagaw­a ng kaukulang validation.

Bumuo na rin si Tanding ng task force na kanyang pinamumunu­an, at nakikipag- ugnayan kay Bishop Roberto Mallari ng Diocese ng San Jose City, Nueva Ecija.

Mariin namang kinokonden­a ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang brutal na pagpatay sa pari, kasabay ng apela sa mga awtoridad na magsagawa ng masusing imbestigas­yon sa kaso para mabigyang hustisya ang pamamaslan­g kay Paez.

Naisugod pa ang pari sa Gonzales General Hospital sa Bgy. Diversion sa San Leonardo, pero nasawi rin ito sanhi ng siyam na tama ng bala sa katawan.

Nanawagan rin naman si Mallari sa mga mananampal­ataya na samasamang manalangin upang mapabilis ang pagresolba sa krimen.

Si Paez, na coordinato­r ng Rural Missionari­es of the Philippine­s sa Central Luzon, ay nagsilbi ng mahigit 30 taon sa kanyang diocese simula nang itatag ito noong 1984, at nagretiro noong 2015.

Kilala umano ito ang pari sa pagiging aktibo sa social justice advocacy, partikular na sa human rights issues na nakaaapekt­o sa mahihirap.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines