Balita

Bokal nagpaputok ng boga, tiklo

- Leandro Alborote

LA PAZ, Tarlac – Arestado at sabit sa kasong illegal discharge of firearm, alarm and scandal at frustrated homicide ang isang Sanggunian­g Bayan Member ng Angadanan, Isabela makaraang magpaputok ng baril nang makialam ang isang 28-anyos na lalaki habang nakikipagt­alo siya sa kanyang biyenan sa Barangay Dumarais, La Paz, Tarlac, Martes ng umaga.

Nakumpiska mula kay Mike Anjelo Bariuad Managuelod, 30, bokal ng Angadanan, may asawa, at pansamanta­lang nakatira sa nasabing barangay, ang isang Jericho 941 caliber pistol.

Ang baril ay pag-aari ng pamahalaan­g bayan ng Angadanan at nakaisyu kay Nelson Managuelod, na nilagdaan ni Mayor Jose Panganiban, Jr.

Dakong 8:00 ng umaga umano nang magtalo ang suspek at biyenan nito hinggil sa personal na bagay, hanggang makialam ang hindi pinangalan­ang lalaki kaya nagpaputok ng baril ang opisyal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines