Balita

2 dumayo ng swimming nalunod

- Light A. Nolasco

BALER, Aurora - Dalawang lalaki ang nalunod nang tangayin ng malalaking alon sa Sitio Labasin, Barangay Sabang nitong Linggo.

Kinilala ang mga biktimang sina John Valena, 19; at Kevin Matinao, 19, kapwa residente ng Bgy. Pacita, Pasig City.

Sa report ng pulisya, naliligo umano ang mga biktima kasama ang mga kaibigan na sina Jowen Quimpo at Nelron Lucilla, nang tangayin ng malalaking alon.

Nailigtas naman ng Baler Lifeguard sina Quimpo at Lucilla nang makitang nalulunod at humihingi ng saklolo.

Dinala pa umano sa ospital sina Valena at Matinao ngunit kapwa idineklara­ng deadon-arrival.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines