Balita

Melindo, sasagupa sa tadhana

-

TARGET ni reigning Internatio­nal Boxing Federation (IBF) light flyweight champion Milan Melindo na mapagisa ang light flyweight world champion sa kanyang pagsagupa kontra Japanese World Boxing Associatio­n (WBA) super light flyweight champion Ryoichi Taguchi sa Disyembre 31 sa Ota-City Stadium sa Tokyo, Japan.

Galing sa split decision win kay South African Hekkie Budler nitong September 16 sa Cebu City, ibinida ng 29anyos na si Melindo (37-2, 13 knockouts) na todo na ang kanyang paghahanda.

“Handan a ako. Kaya kong lumaban ng sabayan kaya pipilitin kong makamit ang karangalan,” sambit ni Melindo, nagtala ng first-round technical knockout win kay Japanese Akira Yaegashi noong Mayo.

Ayon kay Edito Villamor, trainer ng kampeon, na ang unificatio­n fight ang pinakamala­king laban sa career ni Melindo.

“Malaking karangalan nito sa bansa sakaling manalo si Melindo. Para sa kanyang sarili, malilinya rin siya sa mga matitikas na kampeon,” aniya.

Bilang paghahanda, kaagad na sumabak sa ensayo si Melindo matapos ang laban kay Budler. Nakumpleto na ni Melindo ang apat na 12-round sparring sessions.

Sa kasalukuya­n, tanging sina Nonito Donaire Jr. (World Boxing Organizati­on and IBF super bantamweig­ht belt) at Brian Villoria (WBA and WBO flyweight champion) ang Pinoy unified world champion.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines