Balita

2 binatilyo tiklo sa pagbebenta ng nakaw

- Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Dalawang menor de edad ang naaresto habang nakatakas ang isa pa nilang kasamahan makaraang masukol ng mga operatiba ng Cabanatuan City Police habang nagbebenta umano ng nakaw na motorsiklo sa Barangay Bitas nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa pulisya, naaktuhan umano bandang 6:00 ng gabi na nagbebenta ng nakaw na motorsiklo ang dalawang 17-anyos na lalaki na kapwa taga-Cabanatuan City, habang nakatakas naman ang isa pang binatilyo.

Nasakote ang hinihinala­ng mga batang carnapper nang i-flash alarm ng Talavera Police ang tungkol sa nakaw na motorsiklo na naaktuhan umanong ibinebenta sa Bgy. Bitas, hanggang nabawi ito sa mga binatilyo.

Dinala na sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) ang mga menor de edad habang pinaghahan­ap pa ang isa nilang kasamahan.

Hindi pa matukoy ng pulisya kung sino ang may-ari at saan ninakaw ang motorsiklo­ng nabawi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines