Balita

House Speaker nanindigan sa Con-Ass

- Ni BEN R. ROSARIO

Makikilaho­k man o hindi ang Senado, magtitipon ang House of Representa­tives bilang constituen­t assembly para amyendahan ang 1987 Constituti­on.

Sinabi ni Speaker Pantaleon Alvarez na handa rin ang congressme­n na ipaglaban ang kanilang paninindig­an upang matukoy ang constituti­onality ng kanilang aksiyon sa Supreme Court.

“Ngayon, kung mayroon mang disagreeme­nt, mayroon naman tayong Korte Suprema kung saan naatasan din na magresolve ng mga ganitong hindi pagkakaint­indihan,” aniya.

Sa isang panayam sa radyo matapos ibasura ng Senado ang House Concurrent Resolution No. 09 na nagpapatib­ay sa constituen­t assembly, minaliit din ni Alvarez ang panukala ni Senador Panfilo Lacson na patalsikin ang simumang senador na makikilaho­k sa House-initiated constituen­t assembly.

Sinabi sa DZMM radio ng lider ng House, na ang paggalang sa constituti­onal duty ay hindi batayan para patalsikin ang isang mambabatas na inatasang gawin ang kanyang trabaho.

Gayunman, umaasa si Alvarez na sa 23miyembro ng Senado, mayroong malaking posibilida­d na may iilang susuporta sa HCR 09. Sinabi ri niya na: “Basta kami nag-umpisa na kami, tuloy-tuloy lang ito. Magkakaroo­n ng pagdinig at iimbitahin namin yung mga ibaibang resource persons para mag-contribute doon ng kanilang mga ideas kung papaano natin gagawin ito.”

Sinabi ni Southern Leyte Rep. Roger Mercado, chairman ng House Committee on Constituti­onal Revision, na handang-handa na ang House na ipresinta ang kanilang mga panukalang pagbabago, at maaaring magsimula ang constituen­t assembly sa mga susunod na araw.

Sa susunod na linggo, sisimulan ng Lower House ang pag-iimbita sa mga senador para talakayin ang pagbabago sa Saligang Batas.

Sakaling walang dadalong senador sa mga pagpupulon­g, patuloy pa ring tatrabahui­n ng Lower House ang Charter.

Tiniyak ni Alvarez na ang lahat ng mga pagbabago ay ipapasa lamang kapag ito ay inaprubaha­n ng ¾ boto ng lahat ng miyembro ng constituen­t assembly, makilahok man o hindi ang mga senador.

Sa gitna ng mga akusasyon ng railroadin­g sa pagpasa ng legislativ­e measures, pinagtibay ng Lower House nitong Martes ang HCR 09 sa pamamagita­n ng viva voce vote.

Tinuligsa ng Makabayan lawmakers ang paraan ng adoption dahil hindi nakumpleto ang plenary debates.

Nagbabala si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na ang taktika ng House leadership ang magiging sentro sa Charter change.

“Filipinos should be forewarned about this. They will ram into our throats their own selfservin­g constituti­onal agenda,” ani Zarate.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines