Balita

Lim tatakbong mayor ng Maynila

- Mary Ann Santiago

Mariing pinabulaan­an ng kampo ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim ang mga tsismis na ipinakakal­at diumano ng kanyang mga kalaban sa pulitika na hindi na siya tatakbo sa halalan 2019

Ayon sa abogado ni Lim na si dating city legal officer Atty. Renato dela Cruz, tiyak nang tatakbo si Lim sa darating na halalan at sa katunayan ay marami na ang nag-a-apply sa ngayon para sumama sa kanyang tiket bilang kandidato para bise-akalde, congressma­n o konsehal.

Sinagot din ni Dela Cruz ang mga katanungan tungkol sa mga Facebook post na naglabasan noong Kapaskuhan, na ipinakikit­a ang mga larawan nina Lim at Mayor Joseph Estrada na tila lumalagda sa isang dokumento at nagkabati na.

Ayon kay Dela Cruz, luma na ang mga litrato at noong 2013 pa kinunan ang isa rito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines