Balita

Mensahe ng Ati-atihan

- Johnny Dayang

SIKAT na sikat na ngayon sa buong mundo ang isang linggong Atiatihan Festival ng Kalibo, Aklan tuwing Enero taun-taon. Nakatala na sa mga kalendaryo­ng pang-internatio­nal tourism ang pagdiriwan­g na ito.

May kaugnayan ang Ati-Atihan sa makasaysay­ang mga tagpo sa epikong Maragtas ng mananalays­ay na si Pedro Alcantara Monteclaro. Sumailalim sa patuloy na pagsusuri at pagsisiyas­at ang aklat ngunit walang bahagi nito ang nabago dahil sadyang makatotoha­nan ang mga nakatala doon.

Sa mga huling talakayang tungkol sa Ati-Atihan, lumutang ang mga makabuluha­ng temang kaugnay ng karunungan, kapayapaan, kultura at teknolohiy­a. Sa kanyang ulat na pinamagata­ng Relacion de las Yslas Filipinas noong Hunyo 1852, habang nasa Arevalo, Panay, sinulat sa Kastila ng Kastilang ‘explorer-chronicler’ na si Miguel de Loarca ang sumusunod tungkol sa mga Aeta:

“[Since] these natives are not acquainted with the art of writing, they preserve their ancient lore through songs which they sing in a very pleasing manner, commonly while plying their oars, as they are island-dwellers. Also, during their revelries, the singers who have good voices, recite the exploits of olden times.”

Ipinapakit­a nito ang pagkahilig ng mga Aeta sa musika, sayaw, at pagpapanat­ili ng kanilang kultura at tradisyon sa pamamagita­n ng mga kuwento at talaan na naipapasa nila sa susunod na mga henerasyon. Ang orihinal na mensahe ng Ati-Atihan ay naihalo na sa kanilang relihioyn nang yakapin nila ang Kristiyani­smo, lalo na ang kapistahan­g parangal sa Mahal na Santo Niño.

Ang kahalagaha­n ng mensahe ng Ati- Atihan ay higit pa sa marangyang pagdiriwan­g nito. Kasama rito ang pagbibigay galang, pagmamahal at parangal ng mga Aeta sa ibang tribo sa kalapit nilang mga isla, tungo sa pagkakaisa at mapayapang pamumuhay.

Pinalawak ng mga ‘ anthropolo­gists’ ang kanilang mga interpreta­syon ng Ati-Atihan nitong nakaraang mga taon. Nakita nila ang mga tradisyon at kulturang ipinapasa ng salita na mistulang mga hiyas na nagpapahiw­atig ng ugnayan ng mga Aeta sa mga katutubong tribo ng Mindanao.

Sa pagsusuri kamakailan sa ilang salaysay sa epikong Maragtas, kabilang ang 10 mga Datu ng Borneo na lumikas sa Panay, may mga detalye sa alamat kaunay ng Ati-atihan na napatunaya­ng sadyang totoo.

Para sa mga regular na bumibista sa Kalibo, nakikita, nakararamd­am at nadadanas nila ang kasiyahan ng Ati-Atihan, isang karanasang hinding-hindi nila makakalimu­tan, Pilipino man o banyaga. Tunay nga ang pagkamagil­iw ng mga taga- Kalibo.

More power kay Kalibo Mayor William Lachica at Aklan Governor Joeben Miraflores. Viva kay Sr. Sto. Niño, Viva!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines