Balita

SAKLOLO SA PONDO Gastusin para sa Albay evacuees pang-10 araw na lang

- Ni AARON B. RECUENCO

Sinabi ni Dr. Cedric Daep, hepe ng Albay PDRRMO, na lumiham na ang kanyang tanggapan sa gobyerno upang mapabilis ang pagpapalab­as ng pondo sa mga lokal na pamahalaan,

“We have already the letter and we were told that the Office of Civil Defense has already made an advance notice about our financial situation to the NDRRMC ( National Disaster Risk Reduction and Management Council),” sinabi ni Daep sa Balita. SAMPUNG ARAW

Gayunman, sinabi ni Daep na bukod dito ay mayroon din silang advance notice dahil hanggang 10 araw na gastusin na lang ng evacuees ang kayang sagutin ng mga lokal na pamahalaan.

Enero 15 nang sinimulan ang paglilikas at kaagad nang pinondohan ng mga lokal na pamahalaan ang gastusin ng evacuees nang sumunod na araw.

Batay sa datos, gumagastos ang pamahalaan­g panglalawi­gan ng Albay ng P200 kada araw para sa bawat pamilya. Sa kasalukuya­n, mahigit 7,000 pamilya pa rin ang nananatili sa nasa 30 evacuation center sa Ligao City, Tabaco City, Guinobatan, Daraga, Sto. Domingo, Camalig, at Malilipot.

“We are actually spending more than P1.4 million a day just for the food of the evacuees. If the Mayon activities continue for weeks or even months, imagine the fund that we need just for the food,” paliwanag ni Daep.

Bukod sa pagkain, ginagastus­an din ang iba pang pangunahin­g pangangail­angan ng mga bakwit, gaya ng gamot, hygiene kits, pagkukumpu­ni ng banyo, at iba pa.

Ang 10-araw na pondo ng mga lokal na pamahalaan ay nagmula sa savings ng kani- kanilang Internal Revenue Allotments noong nakaraang taon.

Ang pagsusumit­e ng notice of depletion ay nangangahu­lugang kailangan nang akuin ng pamahalaan ang gastusin ng evacuees. WALA PANG AYUDA

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring nakukuhang tulong mula sa ibang bansa ang Albay evacuees.

Ito, ayon kay Daep, ay dahil hindi pa sila pormal na humihingi ng ayuda sa kanilang mga dati nang donor.

“We told them that we can still shoulder the expenses,” ani Daep.

Gayunman, inaasahan niyang magdadatin­gan na ang ayuda sa mga Albayano sa mga susunod na araw, dahil na rin sa ipinadala nilang notice of fund depletion sa pamahalaan.

Sa ngayon, sinabi ni Daep na naghanda na rin ng food items ang Department of Social Welfare and Developmen­t ( DSWD)Region 5 upang ipamahagi sa evacuees.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines