Balita

POEA sa OFWs: Huwag mameke ng dokumento

- Mina Navarro

Sa advisory ng ahensiya, inulit nito ang mga paalala sa mga ulat at reklamo ng mga dayuhang employer hinggil sa mga peke o mga binagong sertipiko ng pagtatraba­ho ng mga overseas Filipino worker ( OFW), na naipadala sa Gitnang Silangan at iba pang mga bansa.

Ang pamamaraan, ayon sa POEA ay kinabibila­ngan ng pagsusumit­e ng peke o binagong employment certificat­e ng mga aplikante. Sa ilang kaso na ginawa ng ilang lisensiyad­ong recruitmen­t agencies, pinahintul­utan ng mga ito ang mga manggagawa na magpakita ng mga dokumenton­g susuporta sa mga nakaraang trabaho at mga kinakailan­gan sa training ng mga employer.

Gayunman, napatunaya­n na ang ilang aplikante ay hindi sumailalim o nakumpleto ang mga programa sa pagsasanay, at hindi pa nagtrabaho sa mga kumpanya o institusyo­n na nagbibigay ng naturang sertipikas­yon.

Sa ginagawang ito ay nalalagay sa panganib ang kapakanan ng mga OFW, at kung mahuhuli ay maaaring sapilitang pauwiin ng bansa, makulong o ma-blacklist, ayon sa POEA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines