Balita

2 bebot huli sa shabu

- Light A. Nolasco

JAEN, Nueva Ecija – Arestado ang dalawang drug personalit­y makaraang makuhanan umano ng ilegal na droga sa Barangay Lambakin sa Jaen, Nueva Ecija, nitong Biyernes ng umaga.

Pinangunah­an ni Chief Insp. Joel dela Cruz ang pagsisilbi ng search warrant at nakumpiska­han umano ng tatlong sachet ng hinihinala­ng shabu si Lorena Robles y Roque, 45, residente sa nasabing barangay.

Naaktuhan naman umanong nagre-repack ng shabu si Michele Buhayan y Barrientos, na nakumpiska­han din ng drug parapherna­lia at mga bukas na pakete ng droga.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act (RA 9165) ang mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines