Balita

Region 1 workers may R30 umento

- Ni MINA NAVARRO

Makakukuha ng dagdag-sahod ang mga kumikita ng minimum sa Region 1 simula sa Huwebes, Enero 25.

Ito ang iniulat ng Department of Labor and Employment (DoLE), matapos ilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivi­ty Board-1 ang Wage Order RB1-19 at ang Implementi­ng Rules and Regulation­s na nagbibigay ng P30 dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa sa large nonagricul­ture at commercial fishing establishm­ents.

Ang mga manggagawa sa medium non- agricultur­e establishm­ents ay nadagdagan naman ng P20 ang suweldo, habang P13 naman ang itinaas sa arawang sahod ng mga nasa small at micro establishm­ents at agricultur­e ( plantation at non- plantation) sector.

Sinabi ni RTWPB-1 Chairman at DoLE- Region 1 Director Nathaniel Lacambra na saklaw ng bagong wage hike ang lahat ng manggagawa sa pribadong sektor na tumatangga­p ng minimum na sahod anuman ang posisyon, katayuan sa trabaho, at anuman ang paraan ng pagbabayad sa kanilang sahod.

Gayunman, hindi saklaw ng umento ang mga kasambahay, mga nagtatraba­ho sa personal na serbisyo ng iba kabilang ang mga family driver, at mga empleyado ng rehistrado­ng barangay micro business enterprise­s (BMBE) na may Certificat­e of Authority.

“The Board has thought that the new wage adjustment­s will help set off the anticipate­d effects of price hikes on the living conditions of our minimum wage earners starting this year,” ani Lacambra.

Sa ilalim ng kasalukuya­ng Wage Order RB1-18, ang arawang minimum wage rates ay mula P243 hanggang P280, depende sa uri ng industriya.

Aniya, isinaalang-alang ng mga nagpasya sa bagong wage order ang socio-economic conditions sa rehiyon, at ang sitwasyon ng iba’t ibang negosyo.

Ang Region 1 ay binubuo ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines