Balita

Bashers, inaasar ni James Reid

- Ni NITZ MIRALLES

LUMIPAD na papuntang London sina James Reid, Nadine Lustre, Direk Tonette

Jadaoneat Direk Dan Villegas para sa shooting ng Viva Films movie ng Jadine na Never Not Love You. Ipinost ni Direk Dan sa Instagram ang pre-departure photo nila ni Direk Tonette at mga makakasama nila sa shooting.

Hindi lang kami sigurado kung kasabay nilang umalis sina James at Nadine dahil hindi kasama ang mga sa photo. Wala ring ipinost na photo ang dalawa sa kanilang social media accounts na nasa airport sila.

Walang dapat ikabahala ang JaDine fans na manonood ng Revolution concert nina James at Nadine dahil siguradong bago sumapit ang February 9 concert nila sa Smart Araneta Coliseum ay nakauwi na sila sa Pilipinas. Samantala, marami ang nag- like sa ipinost ni James na picture nila ni Nadine na kuha nang magbakasyo­n sila sa Panglao, Bohol. Unfiltered, hindi dumaan sa Photoshop at mukhang galing sa pagbibilad sa araw o kaya’y bagong ahon sa dagat ang dalawa sa kanilang hitsura. Parang inaasar pa ni James ang bashers nila ni Nadine sa post na, “That face we make when haters make shit up about us and then we didn’t care and got on with our lives and went to the beach and took a selfie.”

 ??  ?? James
James

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines