ElNella movie, may part two?

Balita - - Pangunahing Pahina - --Nitz Miralles

ENTERTAINING ang My Fairy Tail Love Story na showing na simula ngayon, Lahat ng mga nakapanood sa premire night, positive ang feedback at may mga humihirit na nga ng part two. Bitin kasi ang ending, kaya kailangan ng part two para masagot ang mga tanong. Tinanong namin si Direk Perci Intalan kung part two nga ang movie. “Depende kung maghi-hit ang movie,” ang niya. “We’d love to” naman ang sagot nina Janella

Salvador at Elmo Magalona nang tanungin kung gusto nilang magkaroon ng part two ang My Fairy Tail Love Story.

Ang importante sa dalawa ngayon, nagustuhan ng mga nakapanood na ang Regal Entertainment movie at wish nilang magustuhan ito ng mas marami pang moviegoers, hindi lang ng mga bata. Very pleasing to the eyes ang pelikula at panalo ang underwater scenes.

Tama rin ang acting ng buong cast at panggulat ang role nina Cacai Bautista at Kiray. Makikita sa My

Fairy Tail Love Story ang malakas na screen presence ni Kiko Estrada at feeling nga ng press people, hindi lang ito pelikula nina Janella at Elmo, pelikula rin ito ni Kiko.

“Nagpapasalamat kami sa fans na nanood sa premiere night, kay direk Perci for giving us a beautiful movie. Kin Mother Lily at Roselle Monteverde. Sa start Dilang, super bilib na kami ni Janella sa project, we just did out best na gawin ang special movie na ito sa amin ni Janella,” pahayag ni Elmo.

Elmo at Janella

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.