R100k k vs police deputy puty killer

Balita - - Pangunahing Pahina - Martin A. Sadongdong

Nag- alok ang lokal na pamahalaan ng Cainta ng P100,000 pabuya para sa ikadarakip ng mga suspek sa pamamaslang sa deputy chief of police ng naturang bayan sa Rizal, makaraang mabaril sa kasagsagan ng engkuwentro sa ilang drug suspects nitong Linggo.

Isa sa dalawang suspek sa pagpatay kay Senior Insp. Jimmy Senosin, deputy chief of police ng Cainta, Rizal, ang nakumpirmang kabilang sa drugs watchlist bilang kilabot na drug dealer, sinabi kahapon ng Philippine National Police (PNP).

Kinumpirma ni Chief Supt. John Bulalacao, tagapagsalita ng PNP, na si Robin Gomez, alyas “Ruben Tae”, 38, ay kasama sa listahan ng mga sangkot sa ilegal na droga sa Barangay San Andres sa Cainta, Rizal.

Kinilala pa ang kasamahan ni Gomez, na kinilala sa alyas na “Ekis”.

Pinaghahanap pa rin ng awtoridad sina Gomez at Ekis, na kapwa miyembro ng kilabot na Highway Boys Group, isang grupo ng mga holdaper at snatcher na kumikilos sa Cainta at EDSA.

Nakikipag- ugnayan na rin ang mga imbestigador sa Land Transportation Office (LTO) upang beripikahin ang pagkakakilanlan ng may-ari ng kotse, na may plakang MN-2578.

Matatandaang napatay si Senosin ng dalawang suspek sa gitna ng engkuwentro nitong Linggo ng gabi, sa Block 3, Lakas Bisig Floodway sa Bgy. San Andres. Sa ulo nabaril ang pulis.

Nasapul naman ng ligaw na bala si Reyland Jamon, 22, bystander.

Bukod sa pabuya sa ikadarakip ng mga suspek, naglaan din ang lokal na pamahalaan ng P100,000 tulong pinansiyal sa pamilya Senosin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.