Kagawaran sa pabahay itatayo

Balita - - News - Bert De Guzman

Sa botong 193-6, ipinasa ng Kamara nitong Martes ang panukalang magtayo ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Inaprubahan sa pangatlo at huling pagbasa ang House Bill 6775 na lumilikha sa DHSUD para tugunan ang “basic housing needs and requirements of Filipino families”. Layunin nitong mabigyan ng mura, disente at malinis na tahanan ang bawat pamilyang Pilipino.

Pag-iisahin ng departamento ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at ang Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.