Bagong tourism roads nakalinya na

Balita - - News - Mina Navarro

Nakalinya na ang mga proyektong imprastraktura na magpapalakas sa turismo ng bansa ngayong taon, sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) katuwang ang Department of Tourism (DoT).

Ang 1,688 kilometro ng mga kalsada sa turismo ay nahahati sa 677 proyekto sa 16 na rehiyon sa ilalim ng Tourism Road Infrastructure Program (TRIP) allocation na nagkakahalaga ng P30.9-bilyon.

Kabilang sa mga kalsadang ito ang daan patungo sa komunidad ng Mapita Tribal sa Pangasinan; sa Clark City; Callao Caves sa Tuguegarao City; Buscalan sa Kalinga na kilala rin bilang tahanan ng huling mambabatok na si Apo Whang Od; pito sa Iloilo; La Paz, Zamboanga City; Dahilayan Adventure Park sa Bukidnon; Asik-Asik Falls, North Cotabato; at Surigao del Sur patungo sa Hinatuan Enchanted River; sa Taal, Batangas; San Jose, Romblon; at Island Garden City of Samal (IGACOS) sa Davao del Norte; at coastal roads patungo sa nature at marine reserve sa Pasacao-Balatan sa Camarines Sur; Gilutongan at Nalusuan Marine Sanctuary sa Cebu; at Canopy Forest sa Eastern Samar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.