Ex-president, Oxfam chief inaresto

Balita - - News -

GUATEMALA CITY (AP) – Sinabi ng prosecutors nitong Martes na idinetine nila si ex-President Alvaro Colom at ang halos buo niyang dating Cabinet, kabilang ang kasalukuyang chairman ng Oxfam International, sa corruption case na kinasasangkutan ng isang bus concession sa Guatemala.

Si Colom, namuno mula 2008 hanggan 2012, ang huli sa mga dating Guatemalan president na naharap sa legal problems. Kamakailan ay itinalaga siya ng Organization of American States bilang envoy sa Honduras upang makatulong sa pag-ayos sa gusot sa eleksiyon doon.

Sinabi ni Colom matapos humarap sa korte na sa paglakaalam niya ay maayos na napamahalaan ang concession at umaasang mangingibababaw ang hustisya sa kaso.

Ayon kay special prosecutor Juan Francisco Sandoval, kakasuhan ang mga inaresto ng fraud at embezzlement, kabilan si dating Finance Minister Alberto Fuentes Knight, ang Oxfam chairman.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.