Prince Henrik, pumanaw na

Balita - - News -

COPENHAGEN (Reuters) – Pumanaw na si Prince Henrik ng Denmark, ang asawa ni Queen Margrethe, nitong Martes ng gabi sa Fredensborg Castle, ipinahayag ng Royal House.

Siya ay 83 anyos at nasuring may benign tumor dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas. “His Royal Highness Prince Henrik died peacefully in his sleep ...,” nakasaad sa pahayag. “Her Majesty the Queen and the two sons were at his side.”

Naospital ang French-born prince matapos magkasakait habang bumibiyahe sa Egypt.

Kapwa minahal at binatikos ng Danes dahil sa kanyang aristocratic manner, na ipinamalas sa kanyang makukulay na kasuotan at malagkit na French accent, nakahanap si Henrik suporta sa kabataang Danish dahil sa pagbali niya sa Danish norms of cultural uniformity.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.