R158,000 shabu nasamsam

Balita - - News - Fer Taboy

Natiklo ng mga tauhan ng Talomo Police sa Toril, Davao City ang isang ginang na umano’y drug pusher nang magsagawa ng buy-bust operation ang pulisya, kahapon.

Nakakulong ngayon si Ruth Basiliote, 48, ng Santo Cristo Street, Barangay Daliao, Toril, makaraan umanong bentahan ng droga na aabot sa P157,500, ang pulis na poseur buyer.

Sinabi ni Chief Insp. Ronald Lao, hepe ng Talomo Police, na isang high-impact operation ang kanilang ginawa laban kay Basiliote matapos isagawa ang ilang araw na pagmamanman.

Nakumpiskahan umano ng apat na malalaking pakete ng shabu ang suspek, na kakasuhan sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.