2 wanted sa murder laglag

Balita - - News - Lyka Manalo

BAUAN, Batangas – Nalambat ng mga tauhan ng Bauan Police ang dalawang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang babae sa nasabing bayan sa Batangas noong 2016.

Under custody na ngayon ng pulisya sina Analyn Aguirre, 25, ng San Pascual; at Bryan Lester Seño, 20, ng Barangay San Miguel, Bauan.

Si Aguirre ay nangunguna sa ‘Lambat Sibat’ ng pulisya, habang pangalawa naman sa wanted list si Seño.

Sa record ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), naaresto ang mga suspek sa Bgy. San Miguel, Bauan dakong 5:00 ng hapon nitong Martes, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ernesto Marajas, ng Regional Trial Court Branch 8, sa kasong murder na nangyari sa Bgy. Alagao, Bauan noong Abril 2016.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.