Spice Girls movie reboot, posible

Balita - - Showbiz -

ITINANGGI ni Victoria Beckham na sasabak sa reunion tour ang Spice Girls. Kumalat ang mga balita na ang ‘90s girl band ay nagbabalak magkaroon ng reunion tour nang magkita- kita sina Victoria, Melanie Brown, Emma

Bunton at Melanie Chisholm sa bahay ni Geri Horner nitong unang bahagi ng buwan “to explore some incredible new opportunities”.

Ayon sa TMZ. com, nakatakdang magsimula ang tour sa U. K. at magtutuloy-tuloy sa North America. Gayunman, itinanggi ni Victoria na magtatanghal sa entablado ang banda nang makausap ng reporters ng British Vogue sa preview ng autumn/winter 2018 collection ng kanyang high- end clothing brand. “I’m not going on tour. The girls aren’t going on tour,” aniya sa New York nitong weekend. Nag-post ang fashion designer ng ilang pictures mula sa reunion sa bahay ni Geri sa Instagram pagkatapos ng kanilang meeting. “It was so great to see the girls. We had such a fun lunch. It was really, really, really lovely. I still speak to them all individually, but for us all to get together was really lovely. “There’s something so strong in the message of what the Spice Girls stood for. What is that in the future? What does that look like? We were just bouncing ideas around. Brainstorming,” the 43year-old explained, before adding, “But ( fashion) is what I do.” Nang tanungin kung sa halip ay gagawa sila ng reboot ng kanilang pelikula na Spice World, sumagot si Victoria na may kasamang reference sa 1996 song ng banda na Wannabe, at sinabing: “Is that what you really, really want?”

Victoria

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.