Akari vs Gamboa Coffee sa D-League

Balita - - Sports - Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Ynares Sports Arena) 2:00 n.h. -- Gamboa Coffee MixSt. Clare vs Akari-Adamson 4:00 n.h. -- Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian vs Jose Rizal University MAGTUTUOS ang AkariAdamson at Gamboa Coffee MixSt. Clare sa unang laro ng doubleheader ngayon sa 2018 PBA D League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig. Kasalukuyang magkasunod sa ikatlo at ika-4 na puwesto sa team standings, magkakasubukan ang Falcons (4-1) at Coffee Lovers sa pambungad na laban ganap na 2:00 ng hapon.

Galing sa 93-76 na paggapi sa Jose Rizal University noong Lunes sa JCSGO gym, tatangkain naman ng Coffee Lovers na magapi ang nagiisang UAAP team na kalahok sa liga upang mapanindigan ang para sa kanilang coach na si Jinino Manansala ay statement win.

Pupuntiryahin naman ng Falcons ang ikatlong sunod na tagumpay sa ikalima nilang laban upang makapantay ng Jawbreakers kasunod ng ipinosteng back-to-back wins kontra Go for Gold -St. Benilde at Chelu Bar and Grill-San Sebastian College.

Inaasahan ni coach Franz Pumaren na unti -unti ng makakapagadjust ang kanyang mga players lalo na ang mga rookies.

“We still have a lot of hard work to do. I’m stressing that we’ve only been together for one month, and we’re still not in that great of a basketball shape right now,” pahayag ni Pumaren. “As you can see, there’s still a lot of lapses because some of our rookies are still getting used to our adjustments.”

Sa tampok na laban, kapwa galing sa kabiguan, mag-uunahang makabalik sa winning track ang Revellers at Heavy Bombers sa kanilang pagtutuos ganap na 4:00 ng hapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.