Sinangote at Alcodia, angat sa Bulacan chess tilt

Balita - - Sports -

LAHAT nakatutok kina National Masters Julius Sinangote at Romeo Alcodia, parehong dating pambato ng Rizal Technological University (RTU) sa pagtulak ng 1st Mayor Christian D. Natividad Fiesta Republica Open Master Chess Championship sa Pebrero 24-25 sa Malolos Sports and Convention Center sa Malolos, Bulacan.

Kasama rin sa torneo sina Karl Victor Ochoa, Dennis Gutierrez III at Jeremiah Luis Cruz sa event na magsisilbing punong abala ang tinaguriang Dakilang Agila ng Bulacan na si Mayor Christian D. Natividad at inorganisa ni Reden Cruz.

“Excited na ang lahat ng chess players sa pinaka malaking event ng chess sa taong ito. Maraming maraming salamat Mayor Christian D. Natividad sa full support sa chess ,” sambit ni Cruz, head chess coach ng Malolos Chess Club at dating chess coach ng Bulacan State University sa Malolos.

Lubos na ikinagalak ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) treasurer Atty. Cliburn Anthony A. Orbe ang suporta ni Mayor Natividad sa larong chess.

“Maraming-maraming salamat kay Mayor Christian D. Natividad sa pagsuporta niya sa chess sa bansa lalung-lalu na sa mga kabataan,” ani pa Atty. Orbe, founding president ng newly-formed Philippine Executive Chess Association (PECA).

Nakataya ang P20,000 plus trophy sa Division A Non-Master event, P10,000 plus trophy, certificate at chess set sa Division B kiddies 14 and under at sa Division C Master Open division na P10,000 plus trophy. Para sa karagdagang detalye, tumawag o magtext sa 0921-565-1406 para sa kumpletong detalye.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.