Labanan sa chess sa b-day ni GM Antonio

Balita - - Sports -

HANDA na ang lahat sa pagdaraos ng Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. 56th birthday chess tournament sa Biyernes sa Alphaland Southgate Mall, Magallanes, Makati.

Ang three division tournament ay bukas sa lahat ng chess players, anuman ang kasarian at edad na kung saan ang one day event ay isinagawa kaalinsabay ng 56th birthday ni Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. na Vice Champion sa 27th World Senior Chess Championship 2017 (50+ and 65+ Open-men and women) sa Acqui Terme, Italy nitong Nobyembre.

Mismong si Philippine Executive Chess Association (PECA) founding president at National Chess Federation of the Philippines (NCFP) treasurer Atty. Cliburn Anthony A. Orbe, close confidante ni GM Antonio ang isa sa guest sa nasabing chessfest.

Ayon kay National Arbiter Ferdinand Reyes Sr. ng United Chess Tournament Organizers Philippines kung saan ang cash prize P2,000 ang naghihintay sa top player sa 2000-2100 rating, habang ang next four placers ay tatangap ng tig P1,500, P1,000, P700 at P500 .

Ang registration fee ay P 200 para sa 2000-2100 rating below, P150 para sa 1900 - 1999 rating below at P100 para sa unrated - 1899 rating and below. Habang sa simultaneous chess exhibition game ang registration fee ay P100 at P50 sa chess solving puzzles.

“With raffle prizes (chess set, chess clock and gm joey mugs) awaits for the participants.” huling pananalita ni National Arbiter Ferdinand Reyes Sr.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.