Balita

Illegal recruiter sa Macau

- Mina Navarro

Pinag-iingat ng Philippine Overseas Employment Administra­tion (POEA) ang mga Pilipino na naghahanap ng trabaho sa Macau laban sa mga illegal recruiter.

Ito ay kasunod ng kaso ng Pinay na si Pia Ciabacal na nagtungo sa Macau bilang turista at inalok ng trabaho bilang household service worker sa Beijing.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), pagdating sa Beijing ay tumanggi ang employer ni Ciabacal na ibigay ang kanyang suweldo at kinumpiska pa ang kanyang passport at cellular phone.

Si Ciabacal at iba pang mga Pilipino sa Macau ay ni-recruit ng Chinese na nakilala lamang bilang “Fancy”, may-ari ng MMC Enterprise­s na matatagpua­n sa Beleno Shop, Red Market sa Macau.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines