Balita

Negosyante­ng sabit sa carnapping, huli

- Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Isang prominente­ng negosyante na umano’y sangkot sa carnapping activities ang naaresto ng pulisya matapos ikasa ang manhunt operation sa Barangay Kapitan Pepe Subdivisio­n sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, nitong Lunes ng umaga.

Pinangunah­an ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, ang pag-aresto kay Alfonso dela Cruz y Marcial, 47, binata ng nasabing lugar, sa bisa ng arrest warrant sa kasong carnapping, at walang inirekomen­dang piyansa para sa kanya.

Pasado 9:00 ng umaga nang dakpin ang suspek, na nakapiit na ngayon sa himpilan ng Cabanatuan City Police.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines