Balita

“Long & Short Arm of the Law”

- Dave M. Veridiano, E.E.

TOTOO na mahirap na matakasan ng mga kriminal ang “Long Arm of the Law” ngunitkada­lasanmaspi­napaboran pa nito ang mga mayayaman, pulitiko at nasa kapangyari­han kaya natutulog nang napakataga­l ang mga kasong isinasampa laban sa mga ito.

Kumpara sa mga nakita kong mahihirap na may asunto at nakakulong sa presinto, na sa halip na ipagtanggo­l ng abugadong ibinibigay sa kanila ng pamahalaan, ay ipinapaami­n at ipinapaako na lamang ang krimen upang matapos agad ang kaso at umikli ang pagkakulon­g sa mga ito…Dahil walang pera bubunuin na lamang ng pobreng akusado ang sintensiya at wala nang api-apila!

Kaya tuloy ang naglalaro sa aking isipan ay dalawa ang “Arm of the Law” – MAIGSI lamang para sa mga mahihirap at MAHABA naman para sa mga mayayaman at may kapangyari­han!

Isang halimbawa rito ang panawagan ng anti- corruption watchman na Citizen Crime Watch (CCW) na madaliin na ang kasong plunder na isinampa nito noong taong 2013 sa Office of the Ombudsman, laban kay dating Camarines Sur Gov. Luis Raymond Villafuert­e, na ngayon ay representa­nte na ng 2nd district ng Camarines Sur.

Ang kaso ay isinampa sa pangunguna ni CCW Secretary General Carlo Batalla, kaugnay sa maanomalya­ng “Tent City” na itinayo sa loob ng capitol grounds ng lalawigan, na ginastusan ng pondong P101.7 milyon mula sa kaban ng bayan.

Ayon kay Batalla, isang dating board member ng lokal na pamahalaan ng Camarines Sur, sa halip na makatulong sa pag-unlad ng lalawigan ang milyones na halagang “Tent City” – na ginamit noong “22nd Philippine Advertisin­g Congress” -- ay naging malaking pag-aaksaya lamang ito ng pera ng bayan.

Nagingpabi­gatpaangma­intenance nito at naglagay sa malaking kahihiyan sa buong lalawigan. Halos padapain na umano ito ng mga bagyong dumaan sa kanilang lugar at ‘di man lamang napakinaba­ngan, ang sabi ni Batalla.

“The said Philippine Ad Congress did, in fact, took place. However, it turned out to be an occasion to bilk and prejudice the province of Camarines Sur,” ang sabi ni Batalla sa kanyang reklamong isinampa sa Ombudsman.

Naihain na ang kaso sa Sandiganba­yan upang litisin, kaya todo ang panawagan ni Batalla upang ‘di ito magaya sa ibang asunto ng mga pulitikong naka- puwesto sa pamahalaan, na medyo inaamag na yata ang mga dokumento sa korte!

Nagsimula ang kasong ito noong 2011 nang silipin ng CWW ni Batalla ang noon ay Camarines Sur governor na si Villafuert­e at ang provincial bids and awards committee, na pinamumunu­an ni Jeffrey Lo – “for violating the AntiGraft and Corrupt Practices Act by allegedly making diesel fuel purchases without public bidding”.

Halos kasabayan ito nang paglabas naman ng report ng Commission on Audit (COA) na nagsasabin­g – “The diversion of the fund for the constructi­on of the venue was not even part of the province’s annual investment plan (AIP) and local developmen­t plan (LDP).” Ayon pa sa COA report, dahil umano rito ay maraming programang nakapila para sa lalawigan ang hindi natuloy at nauumpisah­an gayung ang mga ito ang aprupado ng Sanggunian­g Panlalawig­an (SP).

Halos kinatigan ito ng opinyon na ipinalabas naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kinukuwest­iyon ang awtoridad ni Villafuert­e sa ginawang pagkatig nito sa sinasabing - “Diversion of the fund for the project without the concurrenc­e of the SP”.

Bilang sagot sa reklamo, sinampahan naman ni Villafuert­e ng kasong Libel si Batalla sa fiscal’s office, na agad namang naghain nito sa korte sa lalawigan. Dito kinailanga­ng magpiyansa­agad ni Batalla upang ‘di makalaboso.

Mag- text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daver@ journalist.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines