Balita

Xian, matutuwa kung masa-shock si Kim Chiu sa hot scenes sa ‘Sin Island’

- –Jimi Escala

LAKING

pasasalama­t ni Xian Lim na kahit hindi si Kim Chiu ang leading lady niya ay malakas pa rin ang suporta ng KimXi fans sa kanya. Kaya pagbubutih­an niyang lalo ang acting niya dahil ‘yun na lang daw ang maaaring iganti niya sa fans niya.

Ngayong tapos na ang promo period at pinipilaha­n na sa mga sinehan ang pelikulang Sin Island, pagkakaaba­lahan naman niya ang shooting ng Miss Granny movie kasama sina Sarah Geronimo at

James Reid under Viva Films. Kuwento ni Xian, nakapag- shooting na siya with Sarah at aminado siya na nastarstru­ck siya nang husto kahit madalas naman niya itong nakikita.

“Sa totoo lang, eh, sobrang natulala ako. Nakaka-starstruck. Kasi hindi ko inexpect na makakasama ko siya, hindi ko in-expect na magkakatra­baho kami. Noong ipinakilal­a ako ni Direk Joyce (Bernal) sa kanya, eh, sabi ko, ‘hello’, lang,” banggit pa ni Xian. Dati na silang nagkikita ni Sarah sa

ASAP pero hanggang ngiti at batian lang, walang kuwentuhan.

“Sa totoo lang naman kasi sa ASAP, nagmamadal­i lahat ng mga tao sa studio, parang... you know what I mean. But this time, di ba, parang me working with a person I always wanted to work with, iba, talaga,” kuwento ng isa sa mga nominado for best supporting actor sa darating na Star Awards for Movies na gaganapin sa Resorts World Manila sa Sunday, February 18.

Sey pa ni Xian, natuwa siya sa warm welcome sa kanya ni Sarah at pakiramdam niya ay hindi raw siya nagkamali na maging bahagi ng Viva family.

Samantala, matutuwa si Xian kung masa-shock si Kim Chiu sa mga daring na eksena niya with Coleen Garcia and

Nathalie Hart sa Sin Island. Hot na hot at matitindi naman talaga ang love scenes ni Xian sa dalawang leading lady niya.

“Well, maybe I guess,that’s a good thing at sana nga masa-shock si Kim, hindi lang naman si Kim, sa mga fans ko, eh, nasorpresa rin sila,” natatawang sabi ng aktor.

May mga nakapanood na nga raw ng Sin Island na direstahan­g itinanong sa kanya kung bakit nagawa niya ang daring sex scenes.

“Well, as I have said, what makes me so passionate is suprising people with the things I was never expected to do,” napatawang sagot ng Kapamilya actor.

Naitanong din sa kanya ang posibleng maging reaksiyon ni Kim.

“Well, wala naman siguro. I mean, kami nga kasi, eh, nandito na talaga kami sa point na parang we want to do more films, kami man ang magkasama o hindi. Marahil bonus na ‘yan kapag kami ang magkasama but kung hindi, eh, andu’n kami sa point na parang we just want to do it all,” seryosong paliwanag ni Xian.

Napag-usapan na raw nila ni Kim na pagdating sa tatanggapi­ng roles at pelikula ay wala silang pakialaman­an.

“Usually sa mga ginagawa naming project, eh, hindi naman kami ‘ yung nakikialam sa anumang role namin. Para sa amin, eh, masaya kami when we get to express ourselves and everytime na may trabaho kami, talagang parang doon na talaga nagbu-burn ang passion naming,” lahad ni Xian. Dinudumog na sa mga sinehan ang Sin

City sa direksiyon ni Gino Santos under Star Cinema

 ??  ?? Xian
Xian

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines