Balita

Jodi at Jolo, malaya nang mahalin ang isa’t isa

- Ni REGGEE BONOAN

MAY trabaho ang karamihan sa mga celebrity nitong Valentine’s Day kaya hindi nila ito nai-celebrate sa pamamagita­n ng dinner date, panonood ng sine, o concert at iba pa. Tulad nina Jodi Sta. Maria at Cavite Vice Governor Jolo Revilla, dahil may taping ang aktres ng Sana Dalawa Ang Puso.

Kaya dumalaw na lang si Jolo kay Jodi sa taping ng serye at dinalhan ito ng pumpon ng mga pulang rosas, puting rosas na nakaletra ng J, at isang malaking balloon na may mga bulaklak din sa loob.

Ang caption ni Jolo sa litrato nila ng kanyang sweetheart, “Ang sarap talaga pag kasama ang forever mo! Kayo, kamusta Valentines n’yo? We love you all!”

Kung hindi kami nagkakamal­i ay dinner break nagkaroon ng oras sina Jolo at Jodi para makapiling ang isa’t isa.

Ang eksenang kinukunan sa Sana Dalawa

Ang Puso ay naka- Mona karakter si Jodi, base na rin sa suot niyang uniporme ng hotel na pinagtatra­bahuhan bilang chamber maid.

Nakakatuwa at cute tingnan ang magsing-irog na finally ay malaya nang nakakapag-post ng kanilang mga nararamdam­an simula nang aminin ni Jodi sa panayam niya sa Tonight With Boy Abunda na may pinagbigya­n na siya ng puso niya at si Jolo nga iyon. Umabot naman sa 628 likes ang litrato nina Jolo at Jodi pagkalipas ng ilang minutong simula nang i-post sa IG at 16 positive comments.

 ??  ?? Jodi at Jolo
Jodi at Jolo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines