Balita

R700K ‘shabu’ nakumpiska sa magkapatid

- Analou De Vera

Aabot sa P700,000 halaga ng hinihinala­ng shabu ang nakumpiska mula sa isang magkapatid matapos salakayin ng awtoridad ang kanilang bahay sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Henry Dimagmaliw, 42; at Allan Dimagmaliw, 43, kapwa most wanted sa Metro Manila at kabilang sa drugs watch list ng awtoridad.

Ayon sa ulat ni Supt. Jay Dimaandal, hepe ng Manila Police District (MPD) Station 1, sinalakay nila, katuwang ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA), ang bahay ng magkapatid sa Velasquez Street sa Barangay 81.

Sa bisa ng search warrant, ginalugad ng mga pulis ang bahay ng mga suspek at sinabi ni Supt. Dimaandal na narekober umano sila ng 132.76 gramo ng umano’y shabu na nagkakahal­aga ng P633,950.

Nasamsam din umano ng mga awtoridad sa raid ang isang .9mm caliber pistol na may dalawang magazine, 48 bala ng .9mm, timbangan, ilang alahas, isang motorsiklo, isang Mitsubishi Adventure, at drug parapherna­lia.

Nasa kustodiya ngayon ng PDEA ang magkapatid.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines