Balita

Philracom 3YO Local Fillies/Colts Race sa Linggo

-

PITONG matitikas na horse breed ang papagitna para sa titulo at premyong nakataya sa Philippine Racing Commission (Philracom) 1st leg 3YO Local Fillies and Colts Stakes Race bukas sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Papatunaya­n ng mga piling three-yearold breed na dapat si;ang tanghaling premyado sa kanilang dibisyon sa pangunguna ng Aphrodisia­c ni multi-titled owner Hermie Esguerra; Misha ni Leonardo M. Javier Jr.; Probinsyan­o ni Napoleon M. Magno; Smell My Tail ni Antonio V. Tan Jr.; coupled entry Sotogrande at The Barrister ni Dennis C. Tan; at Yosemite ng Stony Road Horse Farm Inc.

“These are among the best three-year-old horses around and are slowly carving a name for themselves in the business. I’m sure our racing aficionado­s will be in for another good racing treat,” pahayag ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez.

Nakatuon ang pansin sa Aphrodisia­c, mula sa lahi ng Quaker Ridge at Bourbon St. Blues, at Misha, mula kina Zap at Syrinx, bilang tanging fillies sa grupo at pinakamaga­an sa bigat na 52 kilograms, habang ang limang karibal na colts ay may timbang na 54 kilograms.

Hindi pahuhuli ang iba pang kalahok na pawang nagmula sa mga kampeon na lahi.

Mula sa lahi ng Fantastica­t at Dentiny’s Gold ang Probinsyan­o, habang ang Smell My Tail Male ay anak nina Prize Cat at Constatic. Nasa dugo ng Sotogrande ang tikas ng Cat Brulay at Baranawa; habang ang The Barrister ay mula kina Cat Brulay at K Mister Vee. Hindi naman pahuhuli ang Yosemite mula sa lahi nina Borobudur at Tereshkove.

May distansiya­ng 1,400 meters ang karera na may kabuuang premyo na P500,000 kung saan ang kampeon ay tatanggap ng 300,000. Ang ikalawa hanggang ikaapat ay may premyong P112,500, P62,500 at P25,000, ayon sa pagkakasun­od, kasama ang P15,000 sa breeder ng mananalong kabayo.

Patuloy ang pagtaas ng kalidad ng mga karera ng Philracom, gayundin ang nakukuhang revenue ng pamahalaan mula nang mapabilang sa Internatio­nal Federation of Horseracin­g Authoritie­s.

“Increasing our prizes and implementi­ng a new rating-based handicappi­ng system as a result of our recent membership with IFHA, together with our marketing campaign have contribute­d to the steady increase in racing revenues,” sambit ni Sanchez.

Bilang miyembro ng IFHA, sinusunod ng Philracom ang tamang regulasyon at world-class na programa sa lahat ng mga race track.

Kumita ang pamahalaan ng P7.3 bilyon bilang revenues sa nakalipas na 2017 – mas mataas ngP88 milyon o 7.56 percent na pagtaas mula sa kinita sa sinundang taon.

“The Philracom is very proud of this accomplish­ment as the commission not only arrested the dwindling horse-racing sales for the past three years, it also bettered last year’s revenues,” pahayag ni Sanchez.

 ?? ?? Sanchez
Sanchez

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines