Balita

Bong Go dadalo sa Senate hearing sa frigate deal

- Ni LEONEL M. ABASOLA

Kinumpirma ng kampo ni Special Assistant to the President Christophe­r “Bong” Go na dadalo siya ngayong araw sa pagdinig ng Senado kaugnay sa frigate deal ng Philippine Navy.

Ang pagdinig ay ipinatawag ni Senator Gregorio Honasan, chairman ng Committee on National Defense and Security, batay sa kahilingan ng minorya.

Sinabi ni Honasan na lilinawin sa pagdinig ang mga akusasyong pinaboran ni Go ang Naval Shield Integrated Combat Management System sa pamamagita­n ng pagliham kay Defense Secretary Delfin Lorenzana kumpara sa ibang bidders.

Itinanggi na ni Go ang mga bintang at iginiit niya na handa siyang magbitiw sa tungkulin kapag napatunaya­ng nakialam siya sa pagbili ng mga frigate o bapor na panggiyera.

Katotohana­n lamang ang nais niyang ipabatid sa sambayanan sa kanyang pagdalo sa pagdinig ngayong Lunes, ani Go.

Nauna nang tiniyak ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque walang kinalaman si Go sa frigate deal dahil kasado na ito sa ilalim pa lamang ng administra­syon ni Pangulong Noynoy Aquino.

Dagdag ni Roque na naninindig­an si Pangulong Duterte at Go na sumalang sa public hearing at hindi sa isang executive session ang deal.

Nauna nang sinabi ni Senator Antonio Trillanes IV na walang kinalaman si Go sa frigate deal pero idinidiin naman niya si Duterte dahil aniya mas mataas na opisyal ang gusto areglohin ang deal.

Binatikos din ni Roque ang pahayag ni Trillanes na bagamat inosente si Go ay mayroon namang kumpas dito ang Pangulo.

Ipinaliwan­ag ni Roque na walang choice si Duterte kundi pirmahan ang notice of award dahil kailangang ipagpatulo­y ng kanyang pamahalaan ang napirmahan­g kontrata ng nagdaang administra­syon.

Sinabi pa ni Roque na kahit sinong opisyal sa kasalukuan­g administra­syon ay walang partisipas­yon sa kontrata dahil tapos na ang kasunduan at lalabag sa batas ang sinumang gusto itong baguhin.

Giit pa niya, ang kawalan ng pananaguta­n ni Go ay hindi dahil may nag- utos sa kanya kundi wala talaga itong partisipas­yon sa kasunduan na pinasok ng nagdaang administra­syon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines