Balita

2 ‘drug pusher’ timbog sa buy-bust

- Alexandria Dennise San Juan

Nadakip ng awtoridad ang dalawang umano’y kilabot na drug pusher sa magkahiwal­ay na buy- bust operation sa Quezon City, nitong weekend.

Kinilala ni Supt. Rossel Cejas, hepe ng Batasan Police Station ( PS- 6) ang mga naarestong suspek na sina John Rey Sese, 26, naniniraha­n sa Caloocan City; at Jomark Suico, 23, alyas “Dick” at “Kenji”, ng Meycauayan, Bulacan.

Unang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District ( QCPD), Drug Enforcemen­t Units ( DEU) ng Station 6 at ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency ( PDEA), si Sese sa buy-bust operation sa panulukan ng Commonweal­th Avenue at Regalado Street sa Barangay Fairview, dakong 7:00 ng gabi nitong Sabado.

Nakumpiska kay Sese ang dalawang pack na naglalaman ng hinihinala­ng pinatuyong dahon ng marijuana, isa rito ang nakabalot sa diyaryo, habang nakasilid sa eco bag ang isa pa.

Makalipas ang pitong oras, nalambat ng awtoridad si Suico, matapos makumpirma umanong nagbebenta ito ng droga sa mga lugar na sakop ng QCPDStatio­n 6.

Binentahan umano ni Suico ang isang pulis ng P15,000 halaga ng marijuana sa Zabarte Road sa Bgy. Kaligayaha­n, Novaliches.

Narekober sa loob ng asul na plastic bag, na dala umano ni Suico, ang hindi pa mabatid na halaga ng marijuana.

Ang mga nakumpiska­ng ebidensiya ay dinala sa QCPD Crime Laboratory at kinasuhan na ang dalawang suspek ng paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines