Balita

Junk collector kulong sa pag-aamok

- Hans Amancio

Kulungan ang kinabagsak­an ng isang junk collector makaraang ireklamo ng panggugulo ng kanyang mga kapitbahay habang bitbit ang isang improvised shotgun sa Maynila, nitong Sabado ng gabi.

Nasa kustodiya ngayon ng Manila Police District ( MPD)Station 1 Tondo ang suspek na si Romar Manaloto, 44, at nakatira sa Happy Land Compound sa Tondo, Maynila.

Sa inisyal na imbestigas­yon, nakatangga­p ng tawag ang desk officer ng presinto mula sa isang concerned citizen at inirerekla­mo ang panggugulo umano ng armadong suspek sa kanyang mga kapitbahay, dakong 11:45 ng gabi.

Mabilis na rumesponde ang mga pulis, at nadatnan ang suspek na hawak ang improvised shotgun na may isang bala.

Tinangka pang tumakas ng suspek subalit kaagad siyang nasakote ng awtoridad.

Kakasuhan si Manaloto ng paglabag sa City Ordinance Section 844 (Breach of Peace), at illegal possesion of firearms and ammunition­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines