Balita

Marinero vs AMA sa D-League

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Pasig City Sports Center ) 2:00 n.h. -- AMA Online Education vs Marinerong Pilipino 4:00 n.h. -- Batangas-EAC vs. Jose Rizal University

TARGET ng Marinerong Pilipino na mapatatag ang kapit sa No.4 sa kanilang pagsagupa sa AMA Online Education sa unang laro ngayong hapon sa 2018 PBA D League Aspirants Cup.

Sasagupain ng Skippers ang Titans ganap na 2:00 ng hapon na susundan ng tapatan ng BatangasEm­ilio Aguinaldo College at Jose Rizal University sa 4:00 ng hapon sa Pasig City Sports Center.

Matapos makaranas ng dalawang sunod na kabiguan, nagtala ng dalawang sunod na panalo ang Marinero na nag-angat sa kanila sa markang 3-2.

Inaasahan ng Skippers na bago matapos ang eliminatio­ns ay buo na ang chemistry ng team upang mas maging solido sila para sa target na makapasok ng finals.

Sa panig naman ng kanilang katunggali, hangad nitong masundan ang nakamit na unang tagumpay upang patuloy na buhayin ang tsansang makausad sa susunod na round.

Muling sasandig ang Titans sa dalawang dating UAAP hotshots na sina Robbie Manalang at James Martinez partikular sa una na nagpasikla­b sa pagtala ng season high 40-puntos sa 96-93 panalo nila kontra Generals para pamunuan ang target nilang back-to-back wins.

Sa huling laban, magtatangk­ang makabalik sa winning track ang Jose Rizal University mula sa pagsadsad sa tatlong sunod na pagkatalo sa pagsagupa nito sa cellar dweller at winless pa ring Batangas-Emilio Aguinaldo College (0-4) .

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines