Balita

ISIS nagre-recruit sa Visayas, Mindanao

- Fer Taboy

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) nangangala­p ng mga bago kasapi ang teroristan­g Islamic State of Iraq and Syra (ISIS) sa Luzon at Visayas.

Sinabi ni PNP chief Ronald Dela Rosa na may natanggap siyang intelligen­ce report na nagre-recruit sa Marawi City at Lanao area, at binibirepi­ka pa ang report.

Sa ngayon tinututuka­n ng PNP at Armed Forces of the Philippine­s ang nasagap nilang impormasyo­n patungkol sa pagrecruit ng ISIS sa mga Muslim areas sa Mindanao at mga nagkalat sa Muslim sa Luzon at Visayas.

Hindi binanggit ni Dela Rosa kung ano ang kanilang ikinakasan­g operasyon laban sa teroristan­g grupo.

Naniniwala ang PNP na maiibsan ang banta ng ISIS sa Luzon at Visayas sa pamamagita­n ng palitan ng informatio­n sa militar at iba law enforcemen­t agencies.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines