Balita

Diskuwento sa junior citizens

- Bert de Guzman

Bigyan ng mga benepisyo at pribilihey­o ang junior citizens.

Pinagtibay ng House Committee on the Welfare of Children, sa pamumuno ni Rep. Divina Grace Yu, ang House Bills 2881 at 6041 na inakda ni Rep. Robert Ace Barbers, ng Surigao del Norte.

Ayon kay Barbers, isa sa mga dahilan kung bakit naghain siya ng panukala na katulad ng Senior Citizens Act ay para matugunan ang mga pangangail­angan ng “junior citizens”, mula zero hanggang 12 anyos.

Batay sa panukala, ang isang junior citizen na ang taunang kita ng pamilya ay hindi lalagpas sa P250,000 ay pagkakaloo­ban ng 20 porsiyento­ng diskuwento at exemption sa value-added tax.

Nangangahu­lugan ito ng 32% diskuwento sa mga bilihin, gamot at serbisyo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines