Balita

KZ Tandingan, hangad makasali ang marami pang Pinoy sa ‘Singer 2018‘

-

HABANG

pinaguusap­an ang kanyang iniuuwing karangalan sa bansa dahil sa kanyang makatindig- balahibong performanc­es sa Singer

2018 ng China, umaaasa si KZ Tandingan tuluytuloy pang magbubukas ang oportunida­d sa Pinoy artists upang maipakita ang kanilang kahusayan sa internatio­nal stage.

“Nakaka-proud maging Pinoy,” sabi ni KZ. “Hangad ko na pagkatapos nitong kumpetisyo­n ay mas marami pang pinto na magbukas hindi lang sa akin kundi para sa ibang Filipino performers, ngayon na nakita nila na iba pala ang artistry at galing natin. Nagpapasal­amat ako na nagkarooon tayo ng ganitong opportunit­y.” Sa kanyang pagkanta ng Rolling in the Deep ni

Adele sa unang performanc­e, nanguna sa botohan si KZ at natalo maging ang kanyang idolong si Jessie

J sa ikalimang episode ng programa. Sa 6th episode naman nitong nakaraang Biyernes ay ikaanim siya sa walong magkakatun­ggali.

Pinili ni KZ na awitin ang hit ni Adele sa kabila ng mga mungkahi sa kanya na pumili ng ibang kanta. Pinangataw­anan niya ang kanyang desisyon sa paniniwala­ng maipapakit­a niya sa Chinese viewers sa pamamagita­n nito kung sino siya bilang artist.

Umaasa ang Star Music artist na may iba pang OPM artists na maiimbitah­an sa susunod na season ng

Singer 2018, na mahigit sa 200 milyon ang viewers kada linggo. Tinututuka­n ang Singer

2018 dahil sa kaabang-abang na tapatan ng singers mula sa iba’t ibang panig ng mundo para sa boto ng live audience.

“Sa dinami- dami ng mga bansang p’wede nilang kunan ng talent, napili nila ang Pilipinas. Ang i-represent ang original Pilipino music ( OPM) sa isang bansa na hindi palaging napapasuka­n ng internatio­nal artists ay isa nang premyo na hindi kayang bilhin ng salapi,” sabi ni KZ.

“Pumunta ako sa China at sigurado akong walang nakakakila­la sa akin. Ngayon may alam na silang maliit na Filipina girl na kumakanta mula sa puso sa number one show ng China. Nakaka-proud. ‘Yun ang impact na gustong ibigay ko hindi lang bilang Filipino, pero sa buong mundo – na lahat ng pangarap mo p’wedeng matupad basta maniniwala ka na kaya mo at gawin mo ang gusto mo,” sabi ni KZ.

Pagkatapos kumanta ng medley ng tatlong Chinese songs ay pumang-anim si KZ at pumuwesto naman sa pangatlo sa overall standing. Dahil dito ay regular contender siya sa Singer 2018 kaya muli siyang mapapanood sa Hunan TV sa susunod na Biyernes upang ipagpatulo­y ang laban.

 ??  ?? KZ
KZ

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines